* Isa, dalawa or lahat man sila ay mga naging kaibigan ko. Isa ang pinaka pinag`kakatiwalaan ko. Meron sakanila ung nakaaway ko, nakasama ko, kadamay ko pag may problema at isa din sakanila ang napa`mahal sakin. Halos lahat sila mababait. Walang plastik, trydor, at backfighter ! Pero sa pagkakaibigan may ilan ilan ka lang dapat na talagang pinag`kakatiwalaan un bang sya ung nakakaalam ng mga sekreto mo, mga hinanakit mo sa mundo at yung mga personal na kayong dalawa lang ang makakaalam. Yan ang tinatawag na "Best Friend". Ako .. marami akong kaibigan, mapa`lalaki, babae, baklush, at tomboy. may matanda at bata meron din ung ka`age ko ! Ako kase yung tipong babae na adik sa kaibigan. hindi ako nawawalan, pag may nawawala, may pumapalit din ! Kaya kahit minsan niloloko na ako, kaibigan ko padin ! Pero hindi maiiwasan na mawala yung tiwala ko sakanya ! Marunong akong makisama, makisakay sa biro, at mag`tago ng sekreto..
Meron akong kaibigan na hindi ko inaasahang magiging best friend ko sya . Kase nung una iba ang tingin nila sakin. akala nila maarte ako, namimili ng kaibigan at mayaman .. Pero hindi ko din naman inaasahan na dun ako mag`aaral kung saan sya nag`aaral at kaklase pa kame ! Doon ko sya mismo nakilala . Sya ung kasama ko pag recess, uwian at pag`pasok !
* Sya si Chin . Sya ang Best Friend ko dati ! . Ewan ko ba, kung kelan wala na ako sa pinas saka pa kame nag`away . ng dahil lang sa maliit na bagay nasira yung pag`kakaibigan namin .. cguro nagpadala kame sa init ng ulo tapos aun nagalit kame sa isa`t isa . Sa totoo lang namimiss ko sya, hindi maiiwasan kase sya yung pinaka`best friend ko noon pa man. Sya ung lage kong kasama pag may problema ako, pag`umiiyak ako, pag nasasaktan ako. Sya din nag`aadvice sakin pag masama yung loob ko .. Para ko na syang kapatid . Tumira sya sa bahay namin dati. halos magulang na nya mga magulang ko ! Hindi rin namin maiiwasan na hindi mag`away . Ilan beses na kame nag`away, minsan nag`aaway kame sa about sa LOVE, minsan naman sa mga kaibigan namin ! Pero samin mag`bbarkada kameng dalwa ang dikit. Pag`aalis kame kasama sya. Tulad nlang nung umuwi ung uncle dante ko sa pinas, sinama namin sya sa Olongapo para may kausap ako. Si Chin mabait sya, matalinong babae, tahimik minsan pag`malungkot, maingay, madaldal, at higit sa lahat masayahin ! Kaya kahit magka`away pa kame hindi ako nawawalan ng pag`asa na mag`kakaaus ulit kme at babalik ung pag`kakaibigan namin !! ..
* Sya naman si Nicolle. Pumapangalawa sya kay Chin. Isa din sya sa mga Best Friend ko ! Si Nicolle ay simpleng babae na akala mo dati kung sinong suplada. Hindi ko inaasahan na magiging kaibigan ko din sya. Nakilala ko sya nun simula akong tumambay sa Lumot kasama si Chin. Halos ang dami kong nakilala na kaibigan dun. Si Nicolle naman, sya ung karamay ko pag wala si Chin. Natutuwa ako pag kasama ko sya kase talakera din sya gaya ni Chin. kaya nahawa ako sakanila ! Hindi ko pinag`sisisihang naging kaibigan ko sila ! Si Nicolle naman sya ang umiiyak pag may problema sa bf or sa family . Ako ang taga`advice sakanya na lakasan nya ung loob nya . Minsan na din akong nag`tampo at nagalit sknya. Pero binalewala ko lang un. Kase ang mag`best friend hindi natitiis ang isa`t isa. Depende din sa tao..
No comments:
Post a Comment